Memoirs of a Counselor: My First Reactive Client
Not all people respond the same way to HIV. Marahil mahirap tanggapin ng sarili ang katotohanan tungkol sa kaniyang HIV status kapag ito’y reactive, na siyang dahilan kung bakit marami sa mga PLHIV ay nagtatago na lamang sa labis na kahihiyan sa halip na humingi ng tulong upang magpagamot. At ito na nga ang tinatawag nilang stigma. Masasabi ko na marahil hindi talaga lubusang maihahanda ng mga HIV awareness programs ang mga damdamin ng isang tao kapag siya ay binabalitaan na siya mismo ay may HIV. Maaari nating sabihin na ang stigma, sa kabila ng ating pagsisikap na labanan ito, ay hindi lubusang mapapawi.